TINGNAN: ‘Nakakatacute’ na sushi rolls, ibinida ng isang Singaporean artist

113
Instagram/QimmyShimmy

Maki babies? Parte at lamang-loob ng tao sa sushi? Ilan lang iyan sa mga literal na “nakakatacute” na likha ng Singaporean artist na si Qixuan Lim.

Mukha mang lamang-tiyan sa unang tingin, gawa sa clay ang iba’t-ibang parte ng katawan na makikita sa obra ni Lim.

INNITY ADS

Dahil sa kakaibang mga likha, madalas daw makatanggap ng mararahas na komento ang artist na kilala sa social media bilang QimmyShimmy.

Gayunpaman, hindi nagpapaapekto rito ang 28-anyos na naniniwalang nakadepende sa pananaw ng tao ang ideya ng “beauty” o “aesthetics.”




Nag-aral si Lim sa Netherlands at isa na ngayong full-time information designer.

Una niyang ibinida ang kanyang obra sa Instagram noong 2017 habang estudyante pa lamang at ngayon ay mayroon na siyang higit 100,000 followers.

Sa kasalukuyan ay nasa Singapore na ulit si Lim at itinuturing ang sarili na part-time artist.

Sa kuwarto lamang niya ginagawa ang mga obra at ginagamit na patuyuan ang oven sa kusina.

Patuloy namang dumarami ang tagahanga ng mga kakaibang likha ni Lim na kamakailan lamang ay naitampok sa gallery sa Japan.

Tinawag na “Modern Panic” ang exhibition na inilunsad sa Tokyo, tampok ang mga sushi roll na may mukha ng sanggol sa ibabaw at nigiri na may mga mata at utak.