TINGNAN: Mga sundalo sa Australia, nilaan ang pahinga sa pag-aalaga ng mga koala na apektado ng bushfire

117
Image from Australian Army's Facebook page

Isang grupo mula sa sandatahang lakas ng Australia ang tumulong sa pag-aalaga ng mga koala na nawalan ng tirahan dahil sa patuloy na mga bushfire.

Nagpasya ang 16th Regiment Emergency Support Force na ilaan ang mga libreng araw nila sa pagpunta sa Cleland Wildlife Park.

Base sa Facebook post ng Australian Army, tumulong ang mga sundalo sa pagpapakain ng mga koala at pagtatayo ng mga puwedeng akyatan ng mga sinagip na hayop.

INNITY ADS

“A great morale boost for our hard working team in the Adelaide Hills,” saad ng grupo sa post.

Napaulat na lagpas na sa bilyon ang bilang ng mga hayop sa ilang na namatay dahil sa malawakang mga wildfire sa iba’t-ibang bahagi ng Australia.




Nadali rin ng mga sunog ang halos kalahati ng populasyon ng malulusog na koala, habang malubha naman ang lagay ng marami sa mga ito.