TINGNAN: Marvel Superheroes, ipinangalan sa ilang langaw sa Australia

134
(Screenshot from Reuters Twitter video)

Hindi na lang pala mapapanood lang ang mga kilalang Superheroes at Marvel characters sa telebisyon dahil makikita na rin sila sa pamamagitan ng mga langaw sa Australia.

Naisip kasi ng ilang scientists na bigyan ng pangalan ang mga uri ng langaw sa naturang bansa.

Sa Twitter post ng Reuters, ang mga langaw ay pinangalanang Deadpool, Thor, Loki at Black Widow.

INNITY ADS

Ang pagbibigay nila ng pangalan ay binase umano nila sa itsura ng mga ito.

Isa sa mga langaw ay si Black Widow.




“The shiny black abdomen reminds me a little bit her outfit in the Avengers movie.”

Ang isa namang langaw ay si Deadpool dahil sa marka umano sa likod nito na gaya ng maskara ng naturang Superhero.

Ipinangalan naman sa Marvel creator na si Stan Lee ang isa sa mga langaw dahil sa mukha ng salamin at bigote nito.

Samantala, ang limang araw ay isa umanong uri ng robber flies na sinasabi nilang “assassins” sa mundo ng mga insekto.