TINGNAN: Maine Mendoza, nagdiwang ng 25th birthday kasama si Arjo Atayde sa Palawan

384
(Maine Mendoza Instagram)

Ipinagdiwang ng Kapuso host-actress Maine Mendoza ang kanyang ika-25 kaarawan kasama ang Kapamilya actor at nobyong si Arjo Atayde sa El Nido, Palawan.

Marso 3 pa ang kaarawan ng aktres ngunit nito lamang Sabado, Marso 7, nang ibahagi niya sa kanyang Instagram account ang isang larawan kung saan makikita ang nakatalikod na nobyo sa dalampasigan at nakatitig sa magandang sunset.

Aniya sa kanyang post, “Grateful for many things.”

INNITY ADS

View this post on Instagram

grateful for many things.

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm) on

Nag-post din si Maine ng video sa kanyang Twitter account kung saan ipinasilip niya ang ganda ng dagat.




“What a beautiful sight,” saad niya.

Samantala, maaalalang inamin ng dalawa sa isang panayam na nasasagi na rin sa kanilang usapan ang tungkol sa pagpapakasal at hindi umano nila ito minamadali.

At noong Disyembre nakaraang taon nang i-celebrate naman nila ang kanilang 1st wedding anniversary matapos nilang ihayag sa publiko ang kanilang relasyon.