TINGNAN: Lasallian brother, natapos ang pagtatahi ng giant periodic table matapos ang 20 taon

179
(Image by Bro. Martin Sellner via Facebook)

Matapos ang dalawang dekada, sa wakas ay nakumpleto na rin ng isang Lasallian brother ang pagtatahi ng giant periodic table of elements.

Ibinahagi ito ng dating Chemistry teacher sa USA at La Salle campuses na si Bro. Martin Sellner sa isang Facebook post kung saan makikita ang malaking periodic table na sarili niyang katha.

Aniya, “Finally after two decades, the cross-stitch of the Periodic Table is complete. Posted is a short video of the final five stitches (out of over one million), as well as a few photos.”

INNITY ADS

Ang cross-stitch na periodic table ay may laking 58 x 54 inches na tumagal ng higit 20 taon bago tuluyang matapos.

“The table and border actually took six years. Finally the last nine elements were named by the IUPAC and I was able to complete it during this prolonged lockdown,” dagdag ni Bro. Sellnar.




Ayon sa dating guro, natutunan niya ang pananahi noong nagkaroon siya ng problema sa likod taong 1999 habang nagtatrabaho sa Pilipinas.

Bumalik umano siya sa US ngunit hindi na mapapagaling ng operasyon ang kanyang kondisyon.

Dito na raw siya nagpasyang manatili sa bahay dahil maging ang pagtuturo ay hindi na rin daw niya magagawa pa.

“I enjoyed doing that, making covers for tissue boxes. The sides were rectangular, and after a while I thought of the periodic table, with its 118 boxes. So I suggested making a periodic table using needlepoint,” saad niya.

Interesado raw siya sa table of elements dahil matagal din umano siyang naging Chem teacher.

Samantala, masaya naman si Bro. Sellnar na matapos ang dalawang dekada ay magagawa niya ang bagay na aniya’y hindi niya inaasahan.

“Well, now it is finished, and that makes me happy, ” dagdag niya.

Sa ngayon ay umabot na sa higit 700K views na ang kanyang uploaded video sa Facebook.