TINGNAN: Kuwagong ni-rescue, hirap lumipad dahil hebigat pala

122

ENGLAND, UNITED KINGDOM – Tila hindi lamang mga tao ang nadagdagan ng timbang nitong nagdaang holiday season, pati na din kuwago.

Ganito mismo ang nadiskubre ng Suffolk Owl Sanctuary sa hayop na kanilang sinagip noong Enero 3 ng hapon.

Ayon sa head falconer na si Rufus Samskin, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang residente at sinabing may kuwagong naipit sa makipot na hukay.

INNITY ADS

Basang-basa at hindi umano ito makalipad ng maayos nang matagpuan ng rescue team.

Sa una, inakala ng grupo na may sugat ang hayop o dulot ng matinding pagkakabasa kaya hindi siya makagalaw ng husto. Pero nahihirapan pa rin itong lumipad kahit napatuyo na at nasigurong wala siyang tinamong galos.




“We looked at it thoroughly and found that there was nothing wrong with it, other than the fact that it was extraordinarily fat. It was very, very plump and very wet,” ani Samkin.

“Owls do have an issue with waterproofing — so if they do get wet they can’t fly as well. But this one couldn’t really fly at all,” dagdag pa ng head falconer.

Nang muling suriin, lumabas na “overweight” ang kuwago dahil maraming “fatty deposits” ang nakita sa tiyan at hita nito.

Dagdag pa ng animal expert, mas malaki ito kumpara sa average female owls.

“It was about one third bigger than the average female we’d get — so significantly larger.”

Inalam din ng grupo kung ginawang alaga noon ang kuwago sa pamamagitan ng pagpapakain ng “pet foods” pero tinanggihan niya ito. Mas gusto daw ng hayop ang kinakain ng mga wild owls katulad ng daga.

Kaya hinala ni Samskin, mga daga ang sanhi sa biglang paglobo ng kuwago.

“Where she was found is very productive land, and it’s been a mild winter and there’s a lot of food around – voles, mice.”

Bago siya pakawalan sa natural habitat, pinag-diet muna ng owl sanctuary ang hayop at sa loob ng dalawang linggo, nabawasan ito ng 30 gramo.

(IMAGES COURTESY SUFFOLK OWL SANCTUARY)