TINGNAN: Kakaibang pagbati ng mga kaibigan para sa kaarawan ng isang lalaki, patok online

6181
(Courtesy: Pam Tecson facebook)

Patok sa mga netizens ang kakaibang istilo ng birthday surprise ng grupo ng magkakaibigan sa Tanza, Cavite para sa kanilang birthday celebrant.

Imbes kasi na mga lobo at cake, isang tarpaulin, bulaklak at kandila ang inihanda ng mga ito.

Mistulang pampatay ang theme na ginamit ng magkakaibigan kung saan nakalagay pa ang larawan ng birthday boy sa naturang tarpaulin.

INNITY ADS

Sa facebook post na ibinahagi ng netizen na si Pam Tecson, sinabi nito sa kanyang caption,

“Nakakabigla, ang bilis ng pangyayari 😭 Ichi Happy birthday friend! Hahahaha.”




Mapapanood pa sa video na kumakanta pa ang mga ito habang nakapila at may hawak na mga kandila.

Kitang-kita rin ang pagkabigla ng birthday celebrant.

Marami naman ang nag-react sa naturang post.