TINGNAN: John Lloyd Cruz, dumalo sa kasal ni Vhong Navarro

762
Video from IG/Ryan Bang

Muling kinilig ang netizens matapos dumalo si John Lloyd Cruz sa kasal ng TV host-actor na si Vhong Navarro nitong Huwebes sa Kyoto, Japan.

Kitang-kita ang batikang aktor sa video na pinost ni Ryan Bang sa Instagram story niya, kaning hapon.

Agaw-pansin ang pagbabalik ng ‘matinee look’ ni Cruz, malayo sa naging hitsura niya sa mga nakalipas na taon.

Isa si Cruz sa mga groomsmen ng “Its Showtime” host.

Naging malapit sa isa’t-isa sina John Lloyd at Vhong nang mabuo ang grupong “Kanto Boys” na nagtatanghal noon sa variety show ng ABS-CBN na “ASAP”.

Kasama din sa naturang grupo sina Billy Crawford at Luis Manzano.

Ikinasal si Vhong sa longtime girlfriend at isa sa creative writer ng ‘Dos na si Tanya Bautista.