TINGNAN: Byudo, nagpatayo ng istatuwa ng yumaong asawa nang matapos ang kanilang dream house

343
(Photo credit: Gupta family)

Para mapanatili umano ang presensya ng namayapang asawa, nagpasya ang isang byudo mula India na magpatayo ng life-sized statue nito gawa sa wax nang matapos ang kanilang ipinapagawang dream house.

Ayon sa businessman na si Srinivas Gupta, magkasama nilang ipinagagawa noon ang kanilang bahay bago mamaalam ang asawa na nasawi sa isang car crash noong 2017.

Ibinahagi nito sa panayam ng CNN na lahat ng pagpaplano sa pagpapagawa ng bahay ay ideya ng kanyang misis.

Makikita sa larawang ipscinakita ng pamilya, nakaupo ang istatuwa ni Gupta sa kanilang couch, nakasuot ng pink sari at mga gintong alahas.

(Photo credit: Gupta family)

Kuhang-kuha raw nito ang itsura ng yumaong misis mula sa hibla ng buhok hanggang sa mga linya ng kanyang balat.




Saad ng isa sa kanyang mga anak na si Anusha, “The planning for the house was all done by her and we couldn’t imagine entering this new house without her.”

Dagdag niya, magkakasama raw sila noon nang maaksidente ang sinasakyan kung saan dead on-the-spot si Gupta habang sila ay nagtamo lamang ng minor injuries.

A photo of Madhavi before she died in a car accident in 2017.

“It all happened in a few minutes when she left us. We couldn’t digest the fact that she was no longer with us,” saad pa nito.

Samantala, nagsimula raw nilang pagawan ng rebulto ang ina dahil sa ideya ng kanilang kakilala.

Sa tulong ng artist at sculptor na si Shridhar Murthy, tagumpay na naisagawa ang kanilang plano.

Naging center of attention ang istatuwa ni Gupta na ibinahagi ng marami sa social media.

Kalaunan ay inilipat ito ng pamilya sa kanilang bakuran dahil mahilig daw itong manatili sa labas.

The Gupta family before the car accident.

Saad ni Anusha, “She used to enjoy the outdoors. We want her to stay with us, just how she used to be.”