TINGNAN: Bagong bukas na Starbucks sa Malaysia, patatakbuhin ng mga deaf employees

225
(Photo courtesy: Starbucks Malaysia Facebook)

Binuksan na ang pangalawang Starbucks outlet sa Penang, Malaysia nito lamang Nob.19, Martes para bigyang oportunidad sa ikalawang pagkakataon ang mga deaf employees sa naturang bansa.

(Photo courtesy: Starbucks Malaysia Facebook)

Ang pakikipag-ugnayan ng kilalang coffeeshop sa Penang Deaf Association ay may layon umano na sumuporta sa pagbibigay ng professional training and development sa mga magiging empleyado nito na magmumula sa deaf community.

Sa Facebook post, ibinahagi ng Starbucks Malaysia ang grand opening ng Penang Signing Store noong Martes.

INNITY ADS

Saad sa post, “Our second Signing store in Penang is officially in motion and brewing! Penangites, share the good news and enjoy a unique experience of our Starbucks Signing Store.”

Ayon kay Razman Tan Abdullah, Penang Deaf Association president, masaya silang tumugon at sumuporta sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas malaking oportunidad sa kanilang local deaf community.




Samantala, magkakaroon naman ng sign language classes para sa mga magiging empleyado ng store.

Ang naturang outlet ay mayroong visual alarms, digital trays, at point-of-sale systems na may nakakabit na customer display.

Sinasabing ito ang ikaapat na outlet para sa deaf community sa buong mundo.