Aso, nagsilang ng kulay berdeng tuta

706
Hulk the puppy. PHOTO by WLOS13 on Instagram

Nabulaga ang isang pamilya sa North Carolina, US nang lumabas na kulay berde ang isa sa mga tuta ng kanilang alagang aso.

Biyernes nang manganak ng walo si Gypsy, white shepherd na pagmamay-ari ni Shana Stamey ng Haywood County.

Maayos ang tatlong oras na labor ni Gypsy, hanggang sa lumabas ang pang-apat na maliit pero kapansin-pansin dahil sa matingkad na berdeng balahibo nito.

INNITY ADS

“I started freaking out. But everybody was healthy,” pahayag ni Stamey sa press.




Paliwanag ng eksperto, normal lamang ito at maaaring nagmantsa lang sa balahibo ng puting tuta ang likido mula sa tiyan ni Gypsy habang ipinagbubuntis ito.

Sa kaka-dila ng nanay, at regular na ligo, mawawala rin daw ang kulay kalaunan, ayon kay Suzanne Cianciulli, manager ng Junaluska Animal Hospital sa Waynesville.

Dahil sa kulay at sobrang gana sa pagkain, isinunod ng pamilya ang pangalan ng tuta sa Marvel character na si “Hulk”.

Pinagpilian din nila ang mga pangalang “Gremlin” at “Pistachio”.

Ngayong halos dumidilaw na ang kulay, binigyan naman nila ang tuta ng palayaw na “Pikachu” mula sa Pokémon.