#Hairgoals: Aso na may perpektong kulot, kinagigiliwan sa social media

485
PHOTOS: Instagram/@finleythespringer

Hindi artista, hindi rin model, kundi isang Springer Spaniel ang bagong #hairgoals ngayon ng netizens.

Dumadami na ang fans ng asong si Finley o “Finn”, alaga ni Rebecca Munday mula UK, dahil sa nakakainggit at always picture-ready nitong hairstyle.

“People always compliment his hair and say he looks like a Rockstar, Finley loves the attention and additional fuss from people,” kuwento ni Munday sa Metro.

INNITY ADS

“He has been compared to Brian May from Queen and John Lennon,” dagdag niya pa.




Paliwanag ng amo, palagi niyang sinusuklayan ang 3-taon-gulang na alaga upang hindi magbuhol-buhol ang balahibo nito.

Bukod pa riyan ang grooming session ng alaga kada anim na buwan para panatilihin ang lambot ng buhok at magandang kulot nito.

Mula nang sumikat sa Instagram kung saan mayroon na siyang 14.1K followers, nakatanggap na rin ng mga endorsement at partnership deals si Finley.

Ngunit hindi lamang sa social media kagiliw-giliw ang aso, dahil para kay Munday, masuwerte siyang naging alaga si Finley.

“He is the most loving dog I could ever wish for and I am very lucky to have him. He is so well behaved and very much toy and treat motivated which is how I manage to get him to pose for the camera,” aniya.