TINGNAN: Aso, aksidenteng nalunok ang engagement ring ng amo

1103
IMAGES: Facebook/Valley Farm Animal Hospital

Pansamantalang umurong ang kilig ng isang babae sa South Africa matapos na aksidenteng malunok ng alagang aso ang kanyang engagement ring.

Dinala ang asong si Pepper sa Valley Farm Animal Hospital kasunod ng insidente, ayon mismo sa Facebook post ng vet sa South Africa noong Pebrero 3.

Nakumpirma sa X-ray scan na kasama sa post, na nasa tiyan nga ng aso ang singsing.

INNITY ADS

Maigi na lamang ay hindi kinailangang operahan si Pepper na binigyan lang ng gamot para maisuka palabas ang singsing.

Pinagaan naman ng vet ang sitwasyon sa pagbabahagi ng insidente na animo’y si Pepper ang nagkukuwento.




“Do I look a little nauseous? That’s because the vet has just given me something to make me vomit!” saad sa post ng Valley Farm.

Buong nailabas ni Pepper ang singsing at siniguro naman ng vet na maayos din ang kondisyon ng aso.