Tindero, iniligtas ang baldadong lalaki mula sa nasusunog na bahay

246
(Picture: CEN/@roberta.etter)

COSTA BLANCA, Spain – Hindi nag-atubiling iligtas ng isang tindero ang baldadong lalaki sa loob ng nasusunog niyang bahay sa Calle Port de Denia, Alicante, noong ika-6 ng Disyembre bandang 12:00 pm.

Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog sa unang palapag ng bahay ng biktimang si Alex, 39.

Batay sa kwento ng kapitbahay na si Roberta Etter, nakakita siya ng makapal na usok mula sa naturang bahay at nakarinig ng sigaw ngunit natakot daw silang pasukin ito.

INNITY ADS

Maya-maya raw ay sumulpot ang isang lalaking may dala-dalang sako ng paninda at agad na inakyat ang bahay ni Alex.

“He just threw Alex over his shoulder and came back down a rickety ladder,” aniya.




Pag-akyat ay binuhat niya si Alex palabas ng bahay.

“Alex wouldn’t have lasted another two minutes. The guy saved his life, there is no question about that,” dagdag niya.

Ayon sa mga nakakita ng kabayanihan ng lalaki, bigla na lamang daw itong naglaho matapos maghugas ng kamay.

Kinilala ng awtoridad ang lalaki na si Gorgui, isang Senegalese street seller.

Nang makapanayam, isinaad nitong ginawa lamang raw niya ang nararapat.

Aniya, “It’s true that I am poor, that I don’t have money but I have a heart. I have a heart that wants to help people and I knew I could save him.”

Samantala, agad namang nagamot sa ospital si Alex dahil sa tinamong lapnos at nalanghap na usok.

Sa ngayon ay kasa-kasama na umano ito ng isang kaibigan sa iisang bahay.

Para naman kay Javier Scotto, councillor ng citizen’s safety ng lugar, karapat-dapat tumanggap ng public recognition ni Gorgui dahil sa kabayanihan nito.