Tattoo artists sa US, ipinamigay ang kanilang masks, protective gears sa mga health care workers

496
(Courtesy: Kevin Myles and Awen Briem)

Sa gitna ng coronavirus pandemic, mabilis ding nagkaubusan ng medical supplies gaya ng facemasks, alocohol at gloves sa mga ospital dahil sa mabilis na pagdami ng kaso ng COVID-19.

Ilan sa mga tattoo artists na nagsara pansamantala sa US ang ipinamahagi na lamang ang kanilang mga gloves at protective gears sa mga ospital.

Sa New York City, nagpasyang ihandog ng Daredevil Tattoo ang kanilang protective equipments at stock ng gloves at mask.

INNITY ADS

Ayon kay Michelle Myles na may-ari ng naturang tattoo shop, bilang mga tattooers, isa sa pangunahin nilang pangangailangan ang mga protective equipments.

(Courtesy: Kevin Myles)

“We already operate with an awareness of bloodborne pathogens and cross-contamination, and so we take a lot of precautions anyway in our day-to-day operations,” saad niya.




Kwento niya, Marso 13 nang magsara sila ng shop upang maprotektahan umano hindi lang ang kanilang customers ngunit maging ang mga tattoo artists ng kanilang shop.

“All the tattooers I know are super bummed to be home and not doing their jobs,” dagdag niya.

Isang tattoo shop naman sa Minneapolis, Minnesota ang naghandog din ng suplay ng gloves, masks, at footwear sa medical community.

(Courtesy: Awen Briem)

Ayon kay Awen Briem na may-ari naman ng Art With a Point studio, nais nilang magbigay tulong sa kanilang local healthcare providers.

Saad niya, “We’re professionals supporting other professionals. We all share an interest in the health and safety of our communities. I think there’s a tremendous amount of empathy there because we have the understanding of what’s going on.”

Para naman kay Karri Henning, may-ari ng Cloud Nine Southside Tattoo & Body Piercing Studio sa Birmingham, naiitindihan niya ang pakiramdam ng public health workers lalo pa’t naranasan na niya umanong magtrabaho dito.

Aniya, isang nurse ang humingi ng tulong sa kanya dahil nagkakaubusan na ng medical supplies sa kanilang ospital.

At kagaya ng mga naunang tattooers, hindi rin nagdalawang isip si Henning na ibahagi ang lahat ng kanilang medical supplies.

Gayundin ang Tattoo Charlie’s shops sa Kentucky na idinonate din ang lahat ng kanilang medical supplies sa ospital sa Louisville at Lexington.

Dahil dito, malaki raw ang pasasalamat ng mga nabiyayaang ospital dahil malaking tulong umano ito sa ganitong panahon ng krisis.