Sorbetero, namigay ng libreng ice cream sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

979
(Photo courtesy: Vonbryan Edo Facebook)

Kinagiliwan sa social media ang isang sorbetero sa Makilala, Cotabato dahil sa libreng pa-ice cream nito para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Sa ibinahaging larawan ng Facebook user na si Vonbryan Edo, makikita ang isang lalaki habang namimigay ng scoop ng ice cream sa mga nakapilang bata.

(Photo: Vonbryan Edo Facebook)

Sabi niya sa kanyang caption, “Kudoss to this kuya. Iyang gyud gi libre iyang ice cream para sa mga bata. May God blessed you and your family😇. Salamat kaayo😍”

INNITY ADS

Ayon sa ulat, magtitinda sana ang naturang lalaki sa isang camp sa Makilala ngunit nang makita raw ang sitwasyon ng mga biktima ng lindol ay nagpasya itong ibigay na lamang ng libre ang kanyang paninda.

Makikita naman ang mga nakapilang bata na mistulang excited pa habang hinihintay ang bawat takal ng ice cream.




Agad na umani ng papuri mula sa netizens ang lalaki.

May isang nagsabing, “Good job. Thank u pinasaya mo mga bata.”

“God bless you kuya God will provide and reward you for being a kind and humble person despite sang imo kinanglanon man para sa imo pamilya salute to you kuya ❤️🙏,” sabi naman ng isang nag-comment.

Umabot naman sa 4k likes at mahigit 8k shares ang naturang post.