Sinigang na baboy sa strawberry, swak sa panlasa ng mga turista sa Baguio City

211
Courtesy Christian Charles Mercurio

Bulalo, nilaga, tinola, sinigang, mami…

Ilan sa mga katakam-takam na lutong bahay na ating hinahanap tuwing malamig at maulan ang panahon.

Kaya siguradong magigising ka sa sinigang with a twist na ibinebenta sa Baguio City.

INNITY ADS

Patok ngayon sa panlasa ng mga turista at lokal roon ang pork strawberry sinigang.

Imbis na kamatis, sampalok, gabi, bagong pitas na strawberry mula sa mga bukirin ang inilalagay sa naturang putahe.




Screenshot from Facebook/Whats Your Ulam Pare

Kuwento ng netizen na si Christian Charles Mercurio, maraming nahuhumaling sa pagkaing ito dahil may taglay na asim ang mga prutas.

Sa halagang P500.00, maari nang matikman ng anim na katao ang kakaiba pero masarap na pagkaing masabaw.