Sarah Lahbati nagpadala ng donasyon sa frontliners, PUV drivers na nangangailangan sa gitna ng pandemic

2505
Instagram/@sarahlahbati

Naipamahagi na ni Sarah Lahbati ang una at ikalawang batch ng mga donasyong bunga ng sinimulan niyang fundraising, katuwang ang asawang si Richard Gutierrez.

Nakaraang linggo nang gumawa ang aktres ng GoGetFunding page para sa COVID-19 frontline health workers, at PUV drivers na apektado ng enhanced community quarantine.

Sa Instagram, ibinalita ni Lahbati na naipadala na ang supplies tulad ng sako-sakong bigas at all-purpose cleaning sanitizers para sa mga ospital; habang gatas, noodles at mga de-lata naman para sa mga driver.

View this post on Instagram

First batch of supplies were delivered today. Gallons of all purpose cleaning sanitizers for hospitals Canned goods para sa mga drivers na patuloy na nag tratrabaho or nawalan ng trabaho Milk Waiting for medical supplies and more food to arrive hopefully soon so we can ship to more hospitals and people in need. Will continue distributing tomorrow. Thank you all for the help and donations. 🙏 To share your blessings sa mga nangangailangan please continue donating in the link in my bio. To donate goods, please email me here hello@sarahlahbati.com Maraming salamat to all our health workers, guards, drivers, grocery and drugstore clerks, farmers at sa lahat ng patuloy na nagtatrabaho at tumulong, maraming salamat po 🙏 https://gogetfunding.com/labansacovid/ #FrontlinersPH

A post shared by Sarah Lahbati Gutierrez (@sarahlahbati) on

“Waiting for medical supplies and more food to arrive hopefully soon so we can ship to more hospitals and people in need,” saad niya sa unang post.




Nakikipagtulungan din ang aktres sa model na si Mikaela Martinez na nag-anunsyo sa kanyang Instagram stories noong Lunes, na plano nilang bigyan ng donasyon ang mga tricycle driver sa BF Homes Parañaque na hindi kumikita sa ngayon.

Sa post naman tungkol sa ikalawang batch ng donasyon, isinabay ng aktres ang panawagan sa mga supplier ng personal protective equipment (PPE) o kung sinumang may kakilalang maaaring pagkunan nito.

View this post on Instagram

Second batch of relief goods and a bit of medical supplies were distributed today for the Lung Center of the Philippines, Cardinal Santos Medical Center and E. Rodriguez area to help people in need of food. Gallons of all purpose sanitizer for hospitals Milk Canned goods Noodles Hoping to get more PPEs (medical supplies) ASAP 🙏 So many hospitals are in need of PPEs (N95 Masks, Faceshields, Surgical Gowns, Full suits) 💔 If you’re a PPE supplier or know any suppliers, please message me. Thank you, @tomono_273 and @emilb73 for lending your truck. Thank you all for your helpful donations. We’re able to order more goods everyday but we’re still lacking urgent medical supplies. For donations please click in the link in my bio. For medical supplies and food donations email me hello@sarahlahbati.com Thank you guys so much. 🙏 Maraming salamat po sa lahat ng frontliners. Sainyong lahat. Saludo kami sainyo!!! 🙏❤️ #FrontlinersPH

A post shared by Sarah Lahbati Gutierrez (@sarahlahbati) on

Muling hinikayat ni Lahbati ang publiko na patuloy na mamahagi ng blessings sa pamamagitan ng pagdo-donate sa GoGetFunding page na “Laban sa COVID”.