Saab Magalona, nagsilang muli ng bouncing baby boy

259
Image from IG/Saab Magalona

Maayos na isinilang ng aktres at TV host na si Saab Magalona-Bacarro ang kaniyang ikalawang anak nitong Lunes.

Ang bouncing baby boy, pinangalan nilang Vito Tomas.

Sa Instagram post ni Magalona, makikita ang masayang larawan ng mag-asawang Saab at Jim kasama si Baby Vito.

INNITY ADS

Ang bagong panganak na sanggol, may timbang na 9.2 pounds.




Bumuhos naman ng pagmamahal at pagbati mula sa mga kapwa-artista at kaibigan ng pamilya Bacarro.

Image from IG/Saab Magalona
Image from IG/Saab Magalona

Matatandaang inanunsyo ni Saab na magiging kuya na si Pancho noong Abril 8.