Ryan Cayabyab, nakalikom na ng halos P10-M para sa mga apektado ng COVID-19

257
(Ryan Cayabyab facebook)

Nakalikom na ng halos P10 milyon ang musician-composer na si Ryan Cayabyab matapos makakalap ng mga donasyon sa kanyang “Bayanihan Musikahan” fund drive sa Facebook live.

Nito lamang Marso 23 ay inanunsyo ng Bayanihan Musikahan facebook page ang kanilang nalikom na halaga na umabot na sa P9,686,950.

“Loving the solidarity we are showing for #BayanihanMusikahan! As of March 23, 9PM we’ve raised P9,686,9501!,” saad ng naturang post.

INNITY ADS

Layon ng programa ang makapagbigay ng pagkain at medical health protection sa mga pinakaapektadong sektor ng lipunan.

Ito rin ay magsisilbing tulong sa mga mahihirap na walang sapat na kakayahang matugunan ang kanilang pang-araw-araw na buhay partikular na sa Luzon kung saan kasalukuyang ipinaiiral ang community quarantine.




Ilang kilalang artists ang nagpakitang-gilas sa pagpe-perform gaya nina Nyoy Volante, Nina Alejandro at Jimmy Antiporda ng Neocolours.

Kasama rin sa mga kumanta sina Jim Paredes, Gloc-9, Ice Seguerra, Lara Maigue, Morissette Amon at Martin Nievera.