Ronnie Liang, isa nang licensed solo pilot

774
Images from IG/Ronnie Liang

Masayang ibinahagi ng mang-aawit na si Ronnie Liang na isa na siyang licensed solo pilot nitong Huwebes, Nobyembre 26.

Sa kaniyang Instagram post, makikitang nakaluhod at nakahawak siya sa elesi ng eroplano habang binubuhusan ng isang baldeng tubig.

Ayon sa singer, bahagi ito ng seremonya bilang opisyal na miyembro ng ASG International Aviation Academy Incorporated.

Nagsimula siyang mag-aral sa naturang aviation school noong nakaraang taon at agad nakumpleto ang flying time na 30 hours.

Ani Liang, pangarap niya maging piloto noong bata pa lamang.

 

β€œIt has always been my dream to be a pilot and I believe that you can pursue your dreams at any point in your life. So here I am, taking steps in fulfilling that childhood dream.”

Tuloy pa rin ang pag-aaral ng singer para makakuha ng lisensya sa pagpapalipad ng private at commercial plane.

Matatandaang sumikat si Liang nang maging kalahok sa defunct reality show na “Pinoy Dream Academy” kung saan tinanghal siya bilang second runner up.