Restaurant, natagpuan ang wedding ring ng isang lalaki 3 taon nakalipas

678
Facebook/Coconuts

Tatlong taon na ang nakalipas mula nang mahulog at mawala ang wedding ring ng isang lalaki habang naglilibang kasama ang kasintahan sa isang restaurant sa Florida, USA.

Hanggang sa kamakailan lang nang maisipan ng manager ng Coconuts na si Ryan Krivoy na palitan ang wooden deck ng restaurant ngayong walang dine-in service dahil sa COVID-19 pandemic.

Bukod sa putik, natagpuan ni Krivoy ang isang gold coin, $100 bills, at ang silver wedding ring na may tatay na “Mike & Lisa 08-21-15″.

INNITY ADS

Nagbakasali naman ng marketing manager ng restaurant na maibalik pa ito sa may-ari kaya ipinost niya ang litrato sa Facebook nitong Abril 14.

Tatlong araw makalipas, tagumpay na nakarating kay Mike at Lisa ang balita at agad silang tumawag sa restaurant.




Nagpadala pa ang magkasintahan ng litrato nila habang kumakain sa naturang resto noong 2017.

Ipinadala na ng restaurant ang singsing sa may-ari, habang ang nakita niyang $100 bills at barya mula pa 1855 ay paghahati-hatian na lang nilang mga empleyado.