Raketero na summa cum laude ng Caraga State University, top 7 sa licensure exam for teachers

238
Facebook/Abzonie Mendoza-Barotac Reño

Muling nagbunga ang pagsusumikap ni Abzonie Reño, ang kauna-unahang summa cum laude ng Caraga State University at ngayon ay lisensyadong guro na.

Nakamit ni Reño ang ikapito sa pinakamataas na marka sa Licensure Examination for Teachers (LET) 2019 para sa secondary level.

Hinangaan ang summa cum laude ng CSU sa Ampayon, Butuan City dahil sa mga pinasok nitong trabaho bago makapagtapos sa kursong Bachelor of Science in Secondary Education Major in Math.

Namasukan si Reño bilang factory worker, panadero, sekyu, at sumideline pa bilang janitor at houseboy upang makatulong sa pamilya at makapagtapos ng pag-aaral.

(BASAHIN: KILALANIN: Raketero, nagtapos bilang unang summa cum laude ng Caraga State University)

Bukod kay Reño, topnotchers din ang lima pang mula sa CSU na sina Stephen James Eslana (top 8), Aibie Jil Cornites at Aicen Cranzo (top 10) sa secondary level; Jazz Pearl Joy Aga (top 8) at Ariel John Socorro (top 10) naman sa elementary level.