Pusa, naibalik sa amo 12 taon makalipas mula nang mawala

163
Gucci. Photo: South West News Service (SWNS)

Halos nabura na ang pag-asa ng isang cat owner sa United Kingdom na mahanap pa ang alaga niyang 12 taon nang nawawala.

Kaya naman laking gulat ng 31-anyos na si Vicky Swainson nang mabalitaang nakita na ang pusa niyang si Gucci kamakailan sa tulong ng microchip.

Kuwento ni Swainson, 19-anyos pa lang siya nang makawala si Gucci habang nasa kalagitnaan sila ng paglilipat ng bahay, ayon sa ulat ng South West News Service (SWNS).

INNITY ADS

Nakita niya pa raw tumakbo ang alaga sa kalapit na building, ngunit hindi niya na nahanap pa nang sundan niya ito.

South West News Service (SWNS)

“We tried calling for him, we tried shaking his favorite biscuits, we tried everything. I just wanted him to come back I couldn’t believe he’d disappeared. Even after we moved we walked two miles back to our old house for six months in the hope we’d stumble upon him,” aniya.




Sa paglipas ng ilang taon, napagtanto ni Swainson na malabo nang bumalik ang alaga, hanggang sa matanggap niya ang ‘di inaasahang tawag.

“When I got the call I was in total shock, I couldn’t even process what was happening. Then when I realized it was my Gucci, I just felt overjoyed and overwhelmed. Gucci was alive and well, and I was going to see him,” sabi niya.

Noong nakaraang Biyernes nang sunduin na ni Swainson ang alaga.

Aniya, “I’d like to think he recognized me as well because as soon as I picked him up he was cuddling me and purring. It was such a strange feeling, something I never expected to go through.”

“I didn’t think I’d ever hold him again, yet here I was, holding Gucci like when I was a teenager. It was surreal,” dagdag niya.