Principal, hinatid ang diploma ng 240 estudyante sa kanilang mga bahay

665
YouTube/Booker T. Washington HSPVA

Personal na hinatid ng isang principal sa Texas, USA ang mga diploma ng 240 na senior high school students, sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Umabot ng 10 araw bago natapos ni Dr. Scott Rudes ang “diploma tour” para sa Booker T. Washington High School for the Performing and Visual Arts.

Sa kabuuan, gumugol ang principal ng 65 oras, at bumiyahe nang 1,500 milya upang mapuntahan ang bahay ng bawat estudyante, ayon sa ulat ng KDFW.

INNITY ADS

Gaya ng ibang paaralan sa ibang panig ng mundo ngayong may pandemya, nauwi rin online ang graduation rites ng nasabing art school nitong Miyerkules.

Dahilan ni Rudes kung bakit isa-isang dinalaw ang mga estudyante, “I feel the anguish and the sadness over missing out on a lot of activities at the end of the year.”




“So this was my opportunity to connect with each and every one of them.”

Mapapanood naman ang “One Time Only 2020 Diploma Tour” ni Rudes sa YouTube channel ng paaralan.