Pinay nurse sa Abu Dhabi, wagi ng P166-M jackpot

203
Image from Big Ticket Abu Dhabi

Masuwerteng napalunan ng isang Pinay nurse sa Abu Dhabi, UAE ang jackpot prize sa “Big Ticket” draw nitong Martes, Disyembre 3.

Sa ulat ng Gulf News, kinilala ang bagong milyonarya na si Anabelle Manalastas, 33-anyos.

Ayon kay Manalastas, ilalaan niya ang premyo bilang pambayad utang at mamamahagi ng grasya sa mga kapamilya sa Pilipinas.

INNITY ADS

“I have a personal loan close to Dh100,000 which I took to invest in a house back home. I will repay this fully. The rest will be kept in the bank for now. I feel overwhelmed and blessed,” pahayag ng nurse.

Nakuha ni Manalastas ang winning combination na 283702.




Kasalukuyang nagtratrabaho sa isang government hospital sa naturang lugar ang bagong Pinay millionaire mula sa Central Luzon.

Magaganap sa Enero 3 ang susunod na draw ng Big Ticket.

Puwedeng manalo ng limpak-limpak na salapi at magarbong kotse ang sinuman tataya sa Big Ticket na tinaguriang largest at longest-running monthly raffle draw sa UAE.