Pinakamatandang taong nabubuhay sa mundo, nagdiwang ng ika-117 na kaarawan

169
Kyodo News via AP Images

Nagdiwang ng kaniyang ika-117 kaarawan ang tinaguriang pinakamatandang taong nabubuhay sa buong mundo nitong Huwebes, Enero 2.

Kasama ang pamilya at mga kaibigan, simple pero memorable ang naging selebrasyon ni Kane Tanaka sa tinutuluyang nursing home sa Fukuoka, Japan.

Sa kabila ng kaniyang edad, malakas pa din siyang kumain ng birthday cake.

INNITY ADS

Matatandaang pormal siyang kinilala ng Guinness World Record bilang “World’s Oldest Living Person” noong Marso 9, 2019.

Taong 1903 nang isilang na premature si Kane na bunso sa pitong magkakapatid.




Pinakasalan ng Haponesaa ang kasintahang si Hideo Tanaka noong Enero 6, 1922, apat na araw makalipas ang kaniyang ika-19 na kaarawan.

Biniyayaan ang dalawa ng apat na anak at nag-ampon ng dalawa pa.