Payo ni Kris Aquino kina Bea Alonzo at Julia Barretto: They deserve to move on

1686

Rumesbak si Kris Aquino sa basher nina Bea Alonzo at Julia Barretto na nag-ungkat ng isyung kinasasangkutan ng dalawa sa Instagram account ng sikat na TV host.

Sa kaniyang post noong Agosto 9, inilahad nito ang mga problemang pinagdaanan sa buhay pag-ibig.

Kapansin-pansin na kahawig ito ng istilo ng pagsagot ni Barretto tungkol sa pagkakadawit sa hiwalayang Alonzo at Gerald Anderson.

INNITY ADS

 “The past and present. A story through artcards on this carousel. From the writer in me. (Hindi mahaba… on point lang.) Good morning,” caption ni Aquino.

Komento ng netizen na si @droidy0301, “Nauuso ba yan ganyan parang Julia p*kpok Barretto lang pagsusulat.”




Mabilis naman nag-react si Aquino sa pahayag ng social media user.

Sambit ng aktres, “No hatred, no judgment. Most especially against women!”

Ipinaliwanag din niya kung bakit hindi dapat babae ang nasisisi sa ganitong suliranin.

“I have always loved & will continue to love Bea. But why are people so quick to condemn Julia?” the actress replied. “Why do we blame women when the reality is, men do commit the mistake of not saying they want out, or not being honest enough with the public,” saad ni Kris.

Ayon pa sa batikang TV personality, nagbago ang pananaw niya sa buhay mula nung maghiwalay sina Song Joong-ki at Song Hye-kyo.

Hinangaan niya si Joong-ki dahil mas pinili nitong maghain ng diborsyo kaysa masaktan pa ng husto si Hye-kyo.

Screenshot via Instagram/krisaquino
Screenshot via Instagram/krisaquino

Giit ni Aquino, “what everyone has forgotten” was “there was no marriage here!

Come on, sa GANDA ni Bea – PIPILA na ang mga LILIGAW. But in the meantime why destroy Julia? And why destroy her mom? Unfair diba? One valid point, matapang kang magsalita kung sure kang those words won’t haunt you in the future. That’s why spare the young women. Both Bea and Julia DESERVE to move on from this issue,” panghuling mensahe ng “Queen of All Media”.

Sa ngayon, wala pang reaksyon si Alonzo sa maanghang na patsutsada ni Barretto.