Pari, nagmisa sa harap ng litrato ng mga parokyano na ‘di makadalo dahil sa quarantine

431
(Patrick Seeger/AP)

Nakaisip ng paraan ang isang pari sa Germany upang magmistulang nasa simbahan pa rin ang mga parokyanong hindi makadalo sa misa nang personal.

Simula nang ipatupad ang quarantine kontra COVID-19, nagsasagawa na ng online mass service si Fr. Joachim Giesler mula sa bayan ng Achern.

Ngunit kamakailan, naisipan niyang humiling sa kanyang mga parokyano na magpadala ng kanilang mga larawan na ididikit niya sa mga upuan sa simbahan.

INNITY ADS

Sa ulat ng Reuters, umabot umano sa 150 litrato ang nai-print ng parokya na siyang kaharap ng pari habang nagsesermon online.

“It was a bit weird in the beginning. Standing at the altar and looking at the empty pews, only with pictures on them. It’s hard to imagine how people watch from home if somebody does,” sabi ng pari.




“The closeness and personal contact to people are missing, of course. But having heard the feedback in the past two weeks, this is a good alternative for worshippers that truly includes them in the service,” dagdag pa niya.