Para sa bucket list: 103-anyos sa US, nagpa-tattoo ng palaka

73
(Photo courtesy: Teresa Gomez Zavitz-Jones)

MICHIGAN, US – Pinatunayan ng isang 103-anyos lola na hindi hadlang ang kanyang edad para ipagpatuloy ang katuparan sa kanyang mga pangarap.

Nais ni Dorothy Pollack na ilaan ang mga nalalabing taon sa pagtupad sa kanyang bucket list– ang una sa listahan, magpa-tattoo ng palaka.

Nito lamang Hunyo 16 ay ipinagdiwang ni Pollack ang kanyang ika-103 kaarawan sa isang nursing home sa Muskegon, Michigan na kanyang tinuluyan ng ilang buwan dahil sa lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.

INNITY ADS

Kwento ng kanyang apo na si Teresa Zavitz-Jones sa CNN, nakaranas daw ng depresyon ang kanyang lola sa tagal ng pamamalagi sa nursing home.

Kaya ilang linggo makalipas nang makalabas si Pollack ay bigla na lang daw nitong gustong magpa-tattoo.




(Photo courtesy: Teresa Gomez Zavitz-Jones)

Aniya sa panayam, “It was pretty exciting because years ago my grandson wanted me to get one and I woudn’t do it. All of a sudden, I decided I would like to have one. And if I could, a frog. Because I love frogs.”

Ayon naman kay Ray Reasoner Jr., tattoo artist mula sa A.W.O.L Custom Tattooing, si Pollack umano ang pinakamatanda sa lahat ng kanyang nata-tattoo-han.

Samantala, matapos maisagawa ang pinakauna sa list, sunod namang tinupad ng matanda ang pagsakay sa motorsiklo.

Para sa kanya, hindi matatapos dito ang kanyang pambihirang karanasan.