PANOORIN: Yeng Constantino, nagbigay inspirasyon sa mga Pinoy sa kantang ‘Dasal’

630
(Screenshot from Yeng Constantino YouTube video)

Hiling ng Kapamilya singer na si Yeng Constantino na makapagbigay-inspirasyon sa mga kababayan sa gitna ng COVID-19 pandemic, sa pamamagitan ng isang kanta.

Hango sa bible verse na nagbigay umano ng kaginhawaan kay Yeng, ang Isaiah 41:10 “So do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God. I will strengthen you and help you; I will uphold you with my righteous right hand,” nais niyang maramdaman din ng iba ang ginhawa sa kabila ng krisis.

Ibinahagi niya sa Instagram ang sariling kantang “Dasal” na unang inilabas noong 2018 bilang bahagi ng album niyang “Synesthesia.”

INNITY ADS

Aniya, “Sana po ay magbigay ito ang gaan sa mabibigat ang dinadala sa puso. Yakaaap sating lahat!”




Sa isa pang post ng video, nagbahagi pa si Yeng ng tungkol sa paboritong karakter sa Bibliya na si King David.

Saad niya, “Passionate and emotional din kase sya. Pero higit sa lahat hindi sya takot sabihin kay God ang mga takot, pag-aalangan o galit na nadarama nya dahil secure sya sa relationship nya with God.”

“Kaya sana ang kanta kong ito ay magbigay ng kalayaan sayong umiyak, magpaapaw ng puso mong puno na ng pag aalala. At sana madama mo ang yakap Nya sa pakikinig mo nito,” dagdag niya.

View this post on Instagram

Si King David ang isa sa mga pinaka gusto kong karakter sa Bible. Passionate and emotional din kase sya. Pero higit sa lahat hindi sya takot sabihin kay God ang mga takot, pag-aalangan o galit na nadarama nya dahil secure sya sa relationship nya with God. Pag dumadaan tayo sa pagsubok minsan madaling sabihin na “think positive” pero mahirap gawin, at pag hindi natin nagawang maging “positive” pakiramdam natin failure tayo. Pero paano kung ang Ama natin sa langit ay nakatingin satin at naghihintay na ibuhos lang natin ang mga bigat ng ating kalooban Sakanya? Na hindi Nya hinuhusgahan ang pagproseso natin ng ating mga emosyon kundi nakikinig Sya at handa Nya tayong bigyan ng kalakasan katulad ng ginawa Nya kay David? May mga tanong tayo na minsan mahirap talagang masagot. Pero maniwala ka na sakabila ng pakiramdam mong wala ka nang makakapitan nandun Sya sa tabi mo at niyayakap ka. Dumaan at dumadaan parin ako sa ganito pero ang sigurado, mahal Nya tayo at hindi ito magbabago. Kaya sana ang kanta kong ito ay magbigay ng kalayaan sayong umiyak, magpaapaw ng puso mong puno na ng pag aalala. At sana madama mo ang yakap Nya sa pakikinig mo nito. You can stream Dasal on spotify. Mamayang 5PM lalabas narin sa wakas ang music video nito. 🙏🏼

A post shared by Yeng Constantino (@yeng) on

Lumabas ang music video sa YouTube noong Abril 17 alas 5:00 ng hapon.

Mapapanood sa video na kuha bago pumutok ang coronavirus, ang ilang ordinaryong tao sa araw-araw nilang buhay at pinagdaraanan at ang kasiguruhang ng pagkapanalo kapag bumalik sila sa Panginoon.