PANOORIN: TikTok user, viral nang may biglang sumulpot sa kanyang video habang sumasayaw

206177
(Reubix_cube TikTok video screenshot)

Viral ngayon ang isang Tiktok user hindi dahil sa kanyang dance moves kundi dahil sa tila katatakutang dulot ng kanyang video sa mga manonood.

Ibinahagi kasi ng TikTok user na si Reubix_Cube ang kanyang video habang sumasayaw ng kantang “Say so” nang biglang may sumilip mula sa hagdan ng kanilang bahay.

@reubix_cube

lmao i’m home alone so i learned a tiktok dance. lov u doja but what has my life come to? #musiclives #positivevibes #sayso #qurantine #boredathome

♬ Say So – Doja Cat

Aniya sa post, “lmao i’m home alone so i learned a tiktok dance. lov u doja but what has my life come to?”

INNITY ADS

Paliwanag niya, nag-iisa lang siya noon sa kanilang bahay habang ginagawa ang video.

Ikinagulat ng maraming viewers ang naturang video at agad itong nakakuha ng iba’t ibang komento.




Marami ang kinilabutan sa video ngunit hindi rin naman nawala ang ilang commenters na nagsabing planado lahat ng ito.

“Obviously this is planned, the caption says ‘I was home alone,’ (he) wanted us to know,” saad ng isang nagkomento.

Kaugnay nito, nagpasya itong magpost ng follow-up video kung saan sinabi niyang malaki ang naging epekto sa kanyang pagtulog ng naturang video.

Hindi rin daw siya sigurado kung tao ang sumilip dahil maririnig daw niya ang mga yabag sa hagdan sakaling may manghimasok sa kanilang bahay.

Itinanggi rin niya na planado ang ginawang video bagamat kasama niya ang mga kaanak sa naturang bahay ay wala raw sila noong mga oras na iyon.

Wala rin daw silang anumang alagang hayop.

Sa huli ay ikinuwento niya na ang kanilang tirahan ay malapit sa isang sementeryo.

Umabot na sa 2.5 million views ang TikTok video online.