PANOORIN: Reaksyon ni Miss Nigeria sa pagkapanalo ni Miss Jamaica bilang Miss World 2019, kinagiliwan ng netizens

1060
(Screenshot of the video on YouTube)

Viral ngayon online ang naging reaksyon ni Miss Nigeria sa pagkapanalo ni Miss Jamaica bilang bagong Miss World 2019.

Hindi lang kasi napasigaw kundi napatalon, napapalakpak at napayakap pa siya ng mahigpit kay Miss Jamaica Toni-Ann Singh nang itanghal ito bilang bagong Miss World.

Sa livestream ng Miss World na ginanap sa London, tila nakuha ang atensyon ng madla kay Miss Nigeria Nyekachi Douglas dahil sa ipinakita nitong suporta sa kaibigan.

INNITY ADS

Nang koronahan si Miss Jamaica at naglalakad na sa entablado, matutunghayan pa rin ang pagsigaw ni Miss Nigeria sa kaibigan.

Marami ang natuwa sa ipinakita ni Douglas dahil simbulo raw ito ng tunay na pagmamahal at kaligayahan para sa isang kapatid sa pageant.




Marami ang humanga sa pagkatao ni Douglas at may mga nakapagsabi na marami ang nangangailangan ng kaibigang gaya niya.

Agad na kumalat sa social media ang larawan nito na umani ng samu’t saring reaksyon at papuri.

Sa Twitter post ng isang social media user sinabi nitong, “Absolutely amazing in all my years of watching never seen another queen this excited about someone else’s win. you are simply the best.”

Sinundan ng mga komento ang naturang papuri gaya ng, “Simply Amazing” at “Awesome”.

Sabi naman ng isang netizen, “Have to admit, her reaction is pretty great. I’m more happy she’s so happy than really caring about the competition. Props to Miss Nigeria!”

Matatandaang napabilang sa Top 3 ang Miss Jamaica, Miss Nigeria, at Miss Brazil na si Elis Coelho kung saan matutunghayan ang paghahawak-hawak nila ng kamay habang hinihintay ang anunsyo.

Sa huli ay si Miss Jamaica ay tinawag at kinoronahan bilang bagong Miss World 2019.