PANOORIN: Pulisya, nag-Zumba para sa mga residente sa gitna ng lockdown sa Colombia

322
Instagram/@polizumba

BOGOTA, Colombia — Idinaan ng mga pulis sa sayawan ang pagpapagaan ng loob ng mga residenteng nananatili sa kanilang mga bahay sa dahil sa banta ng COVID-19

Simula nang ipatupad ang national lockdown noong Marso 25, nagsasagawa na ng Zumba classes sa kalsada ang awtoridad upang malibang ang mga tao.

Ibinabahagi ni officer Jhonny Pico Hernandez, na isa ring Zumba instructor, ang kanilang pakulo sa Instagram page nilang @polizumba.

INNITY ADS

 

Makikita sa mga ilang video na isinasama pa minsan sa Zumba dance party ang mascot ng national police.

 




 

Nakikiisa at sumasabay naman ang mga residente sa aktibidad na sinusuklian nila ng sulat ng pasasalamat na nakapaskil sa mga bintana.

 

View this post on Instagram

Quien me ayuda a contar cuantas personas están bailando este éxito de @daddyyankee y @nickyjampr #muevelo #polizumba @zumbabeto @ginagraziani1 @zumba @zincommunity @aghion @albertoperlman @cnnee @telemundo @primerimpacto @fundacioncorazonverde @fundacionvarkey #polizumba @mindeportecol @mindefensaco @mineducacioncol @mincultura @idrdbogota @alcaldiabogota @educacion_bogota @ctvbarranquilla @noticiascaracol @cnnheroes #lomastrinado @nuestracasarcn @noticiasrcn @scottchitoff @infopresidencia @ivanduquemarquez @agmethescaf @primeradamacolombia @marcelocezan @amadorunico @mariaelviraarango @scottchitoff @alrojovivo @rogerborges01 @despiertamerica @betsydecuba @hermann_melo @ @ginagraziani1 @didem.zeybek @adn_colombia @tabascohoytv @tabascohoy @publimetrocol @actualidadrt

A post shared by Jhonny Pico Hernandez (@polizumba) on

 

Ilang linggo pang magpapatuloy ang naturang pakulo matapos na i-extend ang quarantine sa Colombia mula Abril 12 hanggang Abril 27.