PANOORIN: Pamilya sa US, iniligtas ang oso sa lawa na nakabitan ng plastic jar sa mukha

223
(Screenshot from Tricia Hurt Facebook video)

WISCONSIN, US – Nasagip ng isang pamilya mula sa pagkakalunod sa lawa ang baby bear nang matagpuan ito na nahihirapan sa paglangoy dahil sa nakakabit na plastic jar sa kanyang mukha.

Namamangka raw ang mag-asawang Tricia at Brian Hurt noong Sabado kasama ang anak nilang si Brady sa Marsh Miller Lake nang makita nila ang kawawang oso habang nasa tubig.

Sa video na kuha ni Ms. Hurt, makikitang mayroong plastic tub na nakatabon sa ulo ng oso na tila nahihirapang lumangoy.

INNITY ADS

Inutusan ni Ms. Hurt ang 26-anyos niyang anak na ilapit ang kanilang bangka sa kinalalagyan ng baby bear para makuha ng kanyang asawa ang container na nakalagay sa kanyang mukha.

Sa unang pagkakataon ay hindi nila nakuha ang plastic kaya muli nila itong binalikan.




Sa ikalawang beses na paglapit, mapapanood na tagumpay nilang nakuha sa bear ang container kaya nakalangoy ito nang maayos.

Maririnig pa sa video ang pagbubunyi ng tatlo makalipas ang ilang sandali.

Samantala, agad naman itong nagviral nang ipost ni Ms. Hurt sa Facebook kung saan mayroon na itong 1.4 million views.