PANOORIN: Mga robot, pansamantalang naging cheering squad sa baseball game sa Japan

59
(Screenshot from AFP news agency Twitter post)

FUKUOKA, Japan – Mga robot muna ang naging taga-cheer ng bawat team ng baseball game sa isang stadium sa Japan dahil pansamantala pa ring ipinagbabawal ang pagkakaroon ng live audience dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa laro ng Fukuoka SoftBank Hawks laban sa Rakuten Eagles, dalawang grupo rin ng robots ang makikitang sumasayaw.

Ibinahagi ng Agence France Presse sa Twitter post ang video ng robot ng “Spot” ng Boston Dynamics at “Pepper” ng Softbank Robotics sa nasabing laro.

“Boston Dynamics “Spot” and Softbank Robotics “Pepper” cheer before the game between the Fukuoka SoftBank Hawks and Rakuten Eagles. Up to 5,000 fans will be allowed to attend baseball games from July 10,” saad sa caption ng post.

Bagama’t hindi pa pinapayagan ang live na mga manonood, isa raw itong paraan ng Softbank Hawks para mapasaya ang kanilang team.




Samantala, nagsimula ang season ng laro na ito noong Hunyo habang sarado muna sa publiko.