PANOORIN: Mga bata, may alay na kanta para sa Itim na Nazareno

207
Courtesy Vehnee Saturno

Bukod sa mga deboto, nagbigay-pugay rin ang ilang mga bata sa Poong Nazareno sa pamamagitan ng awitin.

Tungkol sa pag-ibig at pagkakaisa ang musikang hinandog ng Kiddie Talents na pinamagatang “Awit Kay Poong Nazareno”.

Madaling alalahin ang tempo at liriko ng naturang kanta na orihinal na likha ng premyadong kompositor na si Vehnee Saturno.

INNITY ADS

Kabilang rin ito sa mga tinanghal sa misa para sa Itim na Nazareno sa Luneta Park nitong Miyerkoles, Enero 8.

Pinangunahan ng singer at vocal coach na si Ladine Roxas ang mala-concert performance ng mga chikiting.