PANOORIN: Mag-asawang bulag, viral sa pag-awit ng ‘Ikaw at Ako’ ni Moira Dela Torre

571
(Cherry Aranduque Facebook)

Viral online ang video ng mag-asawang bulag dahil sa angking galing sa pagkanta ng awiting “Ikaw at AKo” ng singer na si Moira Dela Torre.

Sa kabila ng kapansanan, hindi maikakailang nabiyayaan ng talento sa pag-awit ang mag-asawang Jerry Cris Aranduque, 33, at Corazon Aranduque, 34 na kilala bilang “The Singing Blind Couple”.

Nito lamang Pebrero 28, ibinahagi sa social media ng kapatid ni Jerry na si Cherry Mae ang bersyon ng dalawa at agad ay umani ito ng samu’t saring reaksyon.

INNITY ADS

Mapapanood sa video ang makatindig-balahibong pagkanta ng mag-asawa dahil sa ganda ng kanilang mga boses.

Unang kakanta si Corazon at susundan naman ni Jerry kalaunan.




Dahil sa ganda ng pag-awit ay maraming netizens ang nagpadala ng papuri at komento.

Marami ang namangha at nagsabing sobrang galing ng mag-asawa.

“Wow galing kahit ganun cla nakapa talented!❤️❤️❤️,” sabi ng isang netizen.

May nakapagsabi rin na napakasarap pakinggan ng blending ng kanilang boses.

Saad namn ng isa na tila isang musikero rin, “Lumaki ako sa mundo ng musika. Ang mundo ng musika ay walang pinipili ano man ang itsura mo ano man ang kalagayan mo hindi yan hadlang sa atin..🙂”

Dahil sa galing ng mag-asawa, pumalo sa 50K likes at 50K shares ang kanilang video sa Facebook na mayroon ding mahigit 2K comments.