PANOORIN: Guro na nanakawan ng sapatos, naiyak nang bilhan ng bagong pares ng mga estudyante

1864
Screenshots via Facebook video/BellevuePublicSchools

NEBRASKA, United States — Naluha sa galak ang isang lalaking guro dahil sa kabutihan ng kanyang mga estudyante matapos siyang mabiktima ng pagnanakaw.

Nawala ang paboritong sapatos na pang-basketball ni teacher Trey Payne sa mismong classroom sa Logan Fontenelle Middle School.

Lingid sa kanyang kaalaman, nagplano at nag-ambagan ang klase upang mabilhan siya ng bagong pares ng sapatos.

INNITY ADS

Dalawang linggo makalipas ang insidente, nitong Enero 29, sinorpresa si teacher Payne ng mga estudyante na makikita sa Facebook post ng Bellevue Public Schools.

Mapapanood sa video na pinabasa muna ng mga bata sa guro ang isang card at nang silipin ang laman ng paper bag, naging emosyal si Payne.




Hindi na napigilang umiyak ng guro nang buksan ang regalo ng mga estudyante na maya-maya ay naglapitan para mag group hug.

Mensahe ni Payne, “It’s more than a pair of shoes, it’s about doing things to build everyone up around you.”

“I try to show my kids this and I think the lesson has sunk in for many, in turn, reaffirming my purpose and my ideals,” dagdag niya.