PANOORIN: Coney Reyes, nakisabay sa pag-TikTok kasama si Samantha Lopez

3551
(Coney Reyes Instagram)

Hindi nagpahuli ang beteranang aktres Coney Reyes kasama ang isa pang hinahangaang si Samantha Lopez na magpakita ng galing sa pagsasayaw sa popular na app ngayon, ang TikTok.

Sa set kasi ng kanilang bagong drama series na “Love of My Life”, mistulang nagkatuwaan ang dalawa at nagpasyang makisabay sa mga millenials sa pagpapakitang-gilas sa sumisikat na app.

Ibinahagi ni Coney sa kanyang Instagram account ang video kung saan mapapanood ang kanilang pagsayaw na may mga filters pa.

INNITY ADS

Aniya sa post, “Super fun with @samanthalopeznyc on the set of #LoveofmyLife #happyset #tiktok 😉❤️😝🤓🤣😂”




Sa kabilang banda, ibinahagi rin ni Samantha sa kanyang social media account ang naturang video kung saan nagpasalamat siya nang makasayaw si Coney, at ipinagmalaki pa na napasayaw niya ito.

Samantala, nagbigay naman ng reaksyon at komento ang anak ni Coney na si Pasig Mayor Vico Sotto sa kanilang cute na cute na pagsayaw ng ina.

Napa, “Oh my” lamang si Vico nang mapanood ang naturang video.

Kaugnay nito, magkasama ang dalawang aktres sa palabas na “Love of my Life” kung saan kasama rin nila ang mga primyadang artista gaya nina Carla Abella, Rhian Ramos, at Mikael Daez.