PANOORIN: Batang umiinom ng gamot laban sa cancer sa huling pagkakataon, emosyonal

1588
(Screenshot of the video from Ashley Cotter Facebook)

NORMAN, Oklahoma – Nakuhanan ng kanyang ina ang isang batang lalaki habang emosyonal sa pag-inom ng gamot para sa cancer sa pinakahuling pagkakataon.

Una nang nasuri ng doktor na mayroong acute lymphobastic leukemia ang 9-anyos na si Steven Cotter tatlong taon na ang nakararaan.

Agad sumabak sa chemotherapy ang bata ilang araw matapos malaman ang kondisyon at nito lamang nakaraang Linggo nang matapos ang ilang-taong gamutan.

INNITY ADS

Sa ibinahaging video ni Ashley, ang ina ni Steven, mapapanood ang batang nakaupo kaharap ang huling piraso ng gamot, hawak-hawak ang kanyang ulo at tila hindi makapaniwala na natapos niya ang napakaraming gamot na noo’y nasa lamesa rin.

Sabi niya sa kanyang Facebook post,“PRAISE GOD!!! Little mans VERY LAST CHEMO!!! BIG TEARS OF JOY❤️❤️❤️. Sorry no sound but you can just feel it❤️❤️”




Bago pa man uminom sa huling pagkakataon, napaiyak sa saya si Steven at nang makatayo ay tila nanalo sa isang giyera sa galak.

Matutunghayan din ang pagyakap kay Steven ng kanyang nakababatang kapatid.

Nang makapanayam si Ashley sinabi niyang, “He’s had so many blood and platelet transfusions over the past three years, so many medications and hospital stays.”

Muli niyang ibinahagi sa social media ang retrato ng anak katabi ng napakaraming gamot na ininom ng ilang taon.

Aniya, “This is just a touch of what he’s had to take over the past 3 yrs my baby kicked cancer ass with a smile on his face and his head held high I could not be more proud then I am right now!!!!! #peaceoutcancer.”

Marami ang  natuwa at nagpahatid ng suporta at paghanga online kay Steven sa ilang taong pakikipaglaban sa cancer.