PANOORIN: Babae, sinagip ang koala mula sa sunog sa Australia

647
Screengrab from video

Sinuong ng isang babae ang panganib para mailigtas ang isang koala mula sa bushfire sa Australia.

Namataan ng kinilalang bayaning si Toni Doherty ang koala na tumatakbo sa nag-apoy na bahagi malapit sa Port Macquarie, New South Wales.

Sinundan ni Doherty ang hayop na naririnig niya umanong umiiyak at gamit ang pinunit na damit, hinila niya ito mula sa nasusunog na puno.

INNITY ADS

Agad niyang pinainom at binuhusan ng tubig ang 14-taon-gulang na koala na nagtamo ng paso sa bandang paanan, dibdib at tiyan.

“It was just so heart wrenching and I knew I needed to get him out of there as quickly as possible,” pahayag niya sa 9 News.




Kasalukuyang nasa Port Macquarie Koala Hospital ang koala na pinangalanang “Lewis”, sunod sa pangalan ng isa sa mga apo ni Doherty.

Isa lamang si Lewis sa daan-daang koala na nasagip mula sa talamak na bushfire sa New South Wales.

Tinatayang nasa 350 koala na ang namatay sa Port Macquarie nakaraang linggo.