PANOORIN: Aso na napunta sa bubong, iniligtas ng bumbero

252
IMAGE: Facebook/ York City Department of Fire/Rescue Services

Walang pinipiling saklolohan ang isang bumbero sa Pennsylvania, USA, na sumagip sa namataan niyang aso na nasa bubong ng bahay.

Sa video na ibinahagi ng York City Department of Fire/Rescue Services sa Facebook, makikita ang bumbero sa bubong na walang kahirap-hirap na dinampot ang aso.

Bagaman hindi natapos kuhanan ang nangyari, sinabi ng ahensya sa kanilang post noong Huwebes, na ligtas na nakababa ang bayani at ang aso.

INNITY ADS

Umani ang bumbero ng papuri at pagpapasalamat mula sa netizens.

Hindi naman tinukoy ng ahensya kung paano napunta sa bubong ang iniligtas na aso.