PANOORIN: 2-anyos, niyakap ang delivery boy na naghatid ng pizza sa kanilang bahay

16456
(Photo credit: Lindsey Sheely / Texomashomepage.com – KFDX, KJTL)

Naantig ang puso ng isang ina matapos nitong masaksihan ang kakaibang ginawa ng kanyang 2-anyos anak sa delivery boy na naghatid ng pizza sa kanilang bahay.

Ayon kay Lindsey Sheely mula West Warwick Rhode Island, hindi raw madalas gawin ng anak na si Cohen ang pagyakap sa hindi nito kakilala.

Kaya labis na lang daw ang kanyang pagkabigla nang mapanood sa CCTV footage ng kanilang bahay ang paghabol ni Cohen sa papaalis na sanang si Ryan Catterson.

INNITY ADS

Sa kwento ni Lindsey, nag-order sila noon ng “Wicked Good Pizza” at bandang alas 7:00 ng gabi nang dumating si Ryan.

Nang matanggap na raw nito ang bayad at umakmang isasarado na ang gate ng bahay ay bigla raw humabol si Cohen para bigyan ng mahigpit ng yakap ang lalaki.




Sa gulat ay ipinanood ni Lindsey sa kanyang mga kaanak at kaibigan ang video na kalauna’y ibinahagi niya sa social media.

Samantala, sinubukan namang tingnan ni Lindsey ang profile ng delivery man kung saan labis niyang ikinagulat ang kanyang nalaman.

Nagdadalamhati pala si Ryan dahil sa pagkawala ng kanyang anak na babae ilang araw bago ang nakakatuwang pangyayari.

(Photo credit: Lindsey Sheely / Texomashomepage.com – KFDX, KJTL)

Kaugnay nito, hindi pa rin daw maipaliwanag ni Lindsey kung ano ang naging ibig sabihin ng ginawa ni Cohen.

Para naman sa ilang netizens, maaaring ito raw ay ang yumaong anak ni Ryan na nais lamang magbigay ng yakap sa kanyang nangungulilang ama.