Panawagan ni Gerald Anderson sa publiko: “Be careful of false information”

896
Image via IG/andersongeraldjr.

Sa kabila ng banta ng terorismo na kumakalat ngayon sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas, nakiusap si Gerald Anderson sa publiko na maging mabusisi sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon.

Ayon sa bagong Army reservist, mahalagang magsaliksik muna bago magpost ng kahit anong detalye sa social media.

“Very honored to be able to go home (to General Santos) and bring awareness about peace and terrorism issues… terrorist recruitment of our youth through social media… be careful of false information. Dapat lagi tayo mag-research bago mag-decide on what to believe”,Β mensahe ni Anderson sa kaniyang Instagram post.

INNITY ADS

Dagdag pa niya, nararapat lamang maging responsable sa balitang ipinapakalat ang ilang indibidwal, kapwa-artista, at news channels sa buong bansa.

“We have to stay united as a country,” panawagan ng aktor sa netizens.




Matatandaang sumailalim siya sa Soldier’s Skills Orientation Training sa Camp Tecson, San Miguel Bulacan nitong buwan bilang paghahanda sa upcoming soap-opera na “A Soldier’s Heart”.

Maliban kay Anderson, siyam na iba pang artista ang idineklarang miyembro ng reserve forces ng Philippine Army (PA).