Palaboy, sinagip ang nalulunod na binatilyong may autism

154
Unsplash

Iniligats ng isang palaboy ang binatilyong may autism mula sa pagkalunod sa creek sa Oregon, United States.

Nasa Hawthorne Park si Bobby Mitchell noong Huwebes ng gabi nang marinig niya ang sigaw ng lalaki mula sa malapit na creek, ayon sa ulat ng KTVL.

“I don’t know how he got where he was at, but I heard him scream and I hopped the fence to see where he was. He was in a tight spot, but I got to him,” pahayag niya.

Sinabi ng nasagip na binatilyo na sinubukan niya lang lumangoy sa lugar, ngunit napadpad siya sa bahaging maraming nakaharang na basura.

Agad namang tumawag si Mitchell sa 911 at kay Melissa Mayne, founder ng isang lokal na organisasyon na nagkataong nakakakilala sa binatilyo.




Naikusap siyang dalhan ng damit ang lalaki na nahirapan umano siyang pakalmahin.

Nakauwi rin kalaunan ang binatilyo matapos masuri ng paramedics.

Sinabi naman ni Mayne na posibleng nalunod nang tuluyan ang bata kung hindi umaksyon si Mitchell.

“I am so thankful he heard him screaming and risked his own life by jumping in the creek at night. If he didn’t do what he did, it could’ve been a whole different outcome,” ani Mayne.

Nang tanungin kung anong nararamdaman matapos makapagligtas ng buhay, buong kapakumbabaang sinabi ni Mitchell na gagawin niya ulit ito kung kinakailangan.

“It’s just another day at Hawthorne Park, things are always interesting here. I’ll do it again for anyone else if I had to,” aniya.