‘Onli In Da Pilipins’: Kuwelang pormahan sa loob ng evacuation center

508

Sinalanta man ng kalamidad, lumulutang pa rin ang katangian ng mga Pinoy bilang likas na masayahin.

Kagaya ng ilang evacuees sa Batangas na tuloy sa pagiging makuwela kahit may pinagdaraang pagsubok.

Sa ngayo’y viral na mga larawan, inirampa ng ilang sa kanila ang mga nakuhang damit mula sa donasyon.

INNITY ADS

Dahil iba’t-ibang klase ang kasuotang natanggap, ang mga lalaking bakwit naging instant nanay, school girl, at buntis.

Tila magtratrabaho naman ang ilang kabataan na nag-ala chef, nurse, doctor, security guard, at service crew sa fastfood chain.




Napa-flashback Friday naman ang isang lola matapos magsuot ng girl scout uniform.

Meron din nagmistulang sasabak sa pulitiko, kasalan, at pagiging PSG.

Sa kabila ng kinakaharap na krisis at natanggap na donasyon, labis pa rin ang pasasalamat ng mga lumikas sa ipinapakitang malasakit ng mga kababayan.