‘Multo’, pinagala sa kalsada para manatili sa bahay ang mga residente sa Indonesia

633
REUTERS

Naisipan ng isang barangay sa Indonesia na gawing panakot ang mga multo upang hindi lumabas ng bahay ang mga tao sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Para makatulong sa pagpapababa ng bilang ng mga tinatamaan ng virus, boluntaryong nagbihis ang ilang residente ng Kepuh bilang “pocong” o multong nakilala sa mga kuwentong kababalaghan sa lugar.

Tulad ng “pocong”, puti ang mga mukha at nakabalot ang volunteers ng puting tela mula ulo hanggang paa habang nagpapagala-gala sa kalsada.

INNITY ADS

 

Adhietya Saputra via Independent

Ngunit ayon sa lider ng grupo na si Anjar Pancaningtyas, sa ulat ng Reuters, palpak daw noong una ang naturang plano dahil imbis na matakot ay naglabasan pa ang mga tao para makita ang “multo”.

Bilang remedyo, naisipan nilang baguhin ang taktika at daanin na lang sa biglaang panggugulat ng sinumang lalabas ng bahay.




Kanya-kanyang pamamaraan kontra coronavirus ang isinasagawa ng bawat lugar sa Indonesia matapos na hindi paboran ni President Joko Widodo ang national lockdown.

Sa ngayon ay lagpas na rin sa 4,000 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa naturang bansa.