Momoland KPOP group, ido-donate sa mga batang Pinoy ang kikitain sa concert

119
Photo: Momoland facebook

Ibabahagi raw ng sikat na KPOP group na Momoland sa mga batang Pilipino ang kikitain sa darating na concert sa bansa.

Ayon sa MLD Entertainment, ang humahawak sa nasabing grupo, ito raw ay tanda ng pasasalamat ng Momoland para sa pagmamahal at suporta na ipinakikita ng kanilang mga Filipino fans.

Isa sa mga ipamimigay ng grupo ang mga damit at ilang gamit na tatanggapin ng mga bata sa ilang barangay sa Antipolo City gaya ng Barangay San Jose at Calawis.

INNITY ADS

Ngayon taon, ika-5 ng Oktubre, gaganapin ang “Good Friends” concert ng grupo sa Araneta Coliseum, Quezon City, kung saan kasama nilang magtatanghal sina Kim Jae-hwan at Ha Sung-woon.

Samantala matatanggap naman ng mga batang Pinoy ang mga damit sa ika-25 ng Oktubre.




Matatandaang unang sumikat sa bansa ang sayaw ng grupo na ‘Bboom bboom’ na agad na nagkaroon ng maraming dance covers sa bansa.

At nito lamang Enero ngayong taon ay nagkaroon ng ‘fan meeting’ ang naturang grupo kung saan naramdaman raw nila ang pagtanggap at pagmamahal ng fans nila na ‘Merry go round’.

Balak rin umano ng nasabing grupo na magkaroon ng charity event kada taon sa Pilipinas para sa mga batang Pinoy.