Misis, nagtrabahong dishwasher sa nursing home para makasama ang asawang may Alzheimer’s

208
Facebook/Mary Daniel

Dala ng pangungulila sa apat na buwang hindi pagkikita dahil sa pandemic, pumasok bilang dishwasher ang isang ginang sa tinutuluyang nursing home ng kanyang mister.

Namamalagi ang asawa ni Mary Daniel na si Steve sa isang assisted living facility sa Florida, USA mula nang ma-diagnose na may early-onset Alzheimer’s, ayon sa CBS News.

Bago kumalat ang COVID-19, gabi-gabing binibisita ni Mary ang mister at sinasamahan hanggang makatulog.

INNITY ADS

Ngunit nang ipatupad na ang lockdown, kuwento ni Mary, “We tried a window visit. He just cried. You can’t explain it to him.”

Nang malaman ang sitwasyon ng mag-asawa, inalok ng nursing facility si Mary na magtrabaho bilang dishwasher, na hindi naman tinanggihan ng misis.




Kaya makalipas ang 114 araw, nagkasama na muli nitong Marso ang mag-asawa.

Aminado si Mary na baka sa tagal nilang hindi nagkita ay nakalimutan na siya ng asawa.

Pero nakilala siya nito at aniya, “He was teary-eyed. He touched my face, even with my mask on.”

“After 114 days, I got to hug my husband today. I also washed a lot of dishes. Proof where there’s a will there’s a way!” pagbubunyi ni Mary sa isang Facebook post.